home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplaysstories for childrenbookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

"Ouch" by Tita Rexi


uch!"

"Excuse me!"

"Ouch!"

"Excuse me!"

"Ano ka ba naman? Ang laki-laki ko e di mo ba ako kayang ilagan?" Hindi ko na natiis na di magsalita, sabay tayo at pamewang. Dalawang beses ba naman akong natapakan, at tila sinadya nitong pinsan kong bagong dating galing sa bansang Thailand. Sa laki kong ito, kayang-kaya ko siyang pisatin.

"I said Excuse me, didn't I? I'm sorry, Mia. I'm just practising how to apologize. We learned that in school just before classes ended this month. And of course, I'm just teasing you."

"Hindi ka ba marunong mag-Tagalog? Di ba nanay mo e Pilipino? You know, your mother is a Filipino. She's the sister of my mother."

"Yes, I know that my Mom is also a Filipino. She taught me some words in Tagalog, but I forgot to practice. I want you to teach me again."

"Sige. Dyan ka lang, may hahanapin akong magasin. Naku, itong pinsan kong ito, oo. . . "

Iniwan ko muna si Annette. Sa isip-isip ko lang, "Akala ko e gusto niya ng away. Mabuti na lang nag-sorry siya. Mabait naman siguro itong pinsan kong payat. Bakit nga kaya ang payat niya?"

Nang mahanap ko na ang "travel magazine" na inuwi nuon ng aking Tita, binalikan ko si Annette. Ipinakita ko sa kaniya ang magasin na Mabuhay na ipinamimigay ng Philippine Air Lines.

"Come, Annette. Let's look at some Pilipino words here."

Magkatabi kaming umupo sa sahig, at sumandal sa dinding.

"Here's the first word: 'Mabuhay'; Ma-bu-hay."

"Ma-bu-hay" inulit ni Annette. "What does that mean?"

"It means "welcome" when we say it to a visitor. It also means "congratulations".

"O. K. In Thailand, we say 'Sawasdee'; Sa-wa-dee." That's our greeting. We always say 'Sawasdee' whenever we meet anybody."

"E saan napunta ang letrang 's'? I mean, don't you say 'Sawasdee'?" tinanong ko si Annette, na pinatunog ko ang letrang 's' sa gitna. Naisip ko na baka mas mahirap pag-aralan ang kanilang wika kaysa sa Pilipino.

"We just say 'Sawasdee" with no 's' in the middle. It's just like that. Can you say it, Mia?"

"Sawasdee" sabi ko naman. Hindi ko na pinatunog ang 's' sa gitna.

"Now, you have to do this" sabi ni Annette, sabay pinagdikit ang kanyang mga palad, parang nagdarasal, at sinabi uli: "Sawasdee."

Ginaya ko siya. Nagdasal din ako, at sinabi uli: "Sawasdee."

Nagtawanan kaming dalawa. Inisip ko, "Ano nga ba iyong aksiyon sa salitang 'Mabuhay'?"

"Alam ko na!" bigla kong sigaw. Nagulat si Annette. "Say 'Mabuhay' with your arm raised like this" sabi ko sa kaniya, sabay taas ng kanan kong kamay na nakasuntok.

Ginaya niya ako. Sumuntok din siyang papataas at sumigaw ng 'Mabuhay'.

Nag-akapan kami sa tuwa. Mayroon na siyang alam na isang salitang Pilipino, at ako naman ay may alam na ring isang salitang Thai.

"Next. Say 'Magandang umaga' in the morning," turo ko kay Annette.

Inulit niya, "Ma-gan-dang u-ma-ga. Magandang umaga."

"What about in Thailand? How do you say 'Good morning'?"

"Sawasdee," sagot ni Annette.

"Ay, ganoon din. Mabuti naman, hindi pala mahirap," naisip ko. "What about 'Good afternoon' and 'Good evening'?" ang tanong ko.

"Sawasdee. Sawasdee," ulit na sabi ni Annette.

"Sawasdee rin," sabi kong patangu-tango. "Ang galing, ano? Tatlo na ang nasasabi kong salita ninyo," biro ko kay Annette. "I can say three words in Thai-Sawasdee, Sawasdee, Sawasdee."

Nagtawanan na naman kami, sabay palakpak. Napatadyak pa siya, at natamaan ako sa binti.

"Aruy!"

"What did you say?" pagulat na tanong ni Annette.

"Aruy sabi!" ang ulit ko. "You hurt me, again, Annette."

"I'm sorry, I didn't mean to hit your leg. But did you say 'Aroy'?" tanong niya.

"Aruy!" ang ulit ko. "That means Ouch, it's painful!"

"That means 'delicious' in Thai. Delicious food. It also means 'beautiful'. For example, if I like your beautiful dress, I will say 'Aroy' while touching your dress," ang pagkahaba-habang paliwanag ni Annette.

"We're saying very different things when we say 'Aruy'—opposite things. But it's good to learn another word. Now you know two words in Pilipino. But I already know four words in Thai," biniro ko siya uli.

Payag naman siya, wala namang reklamo.

"Here's your next word: 'Maganda. Ma-gan-da' inulit-ulit ko. "That means 'beautiful'. We say 'magandang bata', 'magandang baro' for 'beautiful child' and 'beautiful dress'. Can you repeat?" sabi ko kay Annette.

"Ma-gan-da. Maganda" ang ulit ni Annette. "Maganda si Mia" ang dagdag pa niya.

"Maganda si Annette" ang sabi ko rin.

Natural, tawanan na naman kami at yakapan pa. "Mukhang magkakasundo kami ng pinsan kong ito," ang sabi ko sa aking sarili. Sabagay, pareho lang kaming sampung taong gulang at katatapos ng Grade Four.

"Isa pa. 'Masarap. Ma-sa-rap' is what we say for delicious food. Can you repeat that?" wika ko kay Annette.

"Ma-sa-rap. Masarap!" ang ulit ni Annette.

Nagtinginan kaming bigla. Pareho yata ang naiisip namin. Sabay tayo at takbong pababa.

"Mom! We need a snack.!" Sabay na sabay din ang sigaw namin.

Sumenyas lang si Tita sa direksyon ng ref. Nang buksan ko ito, mayroon nang nakahandang pampalamig.

"Halo-halo! Ang sarap nito," pagmamalaki ko kay Annette. "At pampataba pa. Here, I'm sure you'll like this. You must put on some weight," sabi ko pa kay Annette.

"My favorite at home and here, too. I like red beans, violet beans, white beans, yellow beans, sweet banana, gelatin, egg custard, and the ice cream on top" sabi niya, sabay subo ng sunod-sunod, hindi na yata ningunguya ang mga sangkap, lunok na lang ng lunok. "Aroy" biglang sabi ni Annette.

"Is anything the matter?" asked my Tita.

Sabay kaming tumawa ni Annette.

"Ibig sabihin ng 'Aroy' ay 'masarap' daw ang halo-halo. Hindi masakit ang tiyan niya, Tita, hindi rin masakit ang ngipin niya" paliwanag ko.

Nang maubos na ang aming halo-halo ay umakyat na uli kami. Maghahanap pa kami ng mga ibang salita na madali naming matutunan. Tuturuan ko siya, at tuturuan niya ako. Sigurado ko nang magkakasundo kami ng pinsan kong si Annette. Patatabain ko siya rito sa Pilipinas habang bakasyon.

© Rexi Cruz

back to toptop | about the author | back to cover

OOV ARCHIVES OF LITERATURE FOR CHILDREN
Tales Warmed Over, Thrice Told (April 2001)
The Summers We Left Behind (June 2001)
They Who Draw Out Our Caring (Maiden Issue)
"I Am The Head Who Only Eats Bodies" (2001 Poetry Implosion issue)
"Snow" (2001 Poetry Implosion issue)
Princess of the Mountain (Sept 2001 issue)
Villaluz Bibliography of Children's Books (Sept 2001 issue)



powered by
FreeFind
Cali's Pearl
by Almira Astudillo Gilles

Dandelion
by Amihan Florentino-Kernan

Rene's First Thanksgiving
by Rod Garcia

The Mouse and the Light
by Lisa Suhay

Tupa o Kambing?
by Rexi Cruz

"Ouch"
by Rexi Cruz

Marcelo's Place
by N. G. Ray

Being "Miss Ampalaya"
by Luz Maurillo
  poems | essays | plays | short stories | stories for children
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | links | archives | index to issues | readers
about us | current issue