home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplaysbibliographybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

Luto, Linis, Laba, a play by Alfred A. Yuson
Luto, Linis, Laba ni Alfred A. Yuson

Mga Tauhan:

MARGIE 30 anyos
CAROL ... 25 anyos
MARING ... 40 anyos
MARIVIC ... 25 anyos
ESTHER ... 28 anyos
BINGBING ... 22 anyos
LINDA ... 24 anyos
LANI ... 35 anyos
DIDAY ... 30 anyos
JO-ANN ... 17 anyos
RAMON ... 10 anyos
Anim o pito pang mga babaeng iba't-iba ang mga edad;
at mga extra bilang mga photographer at tv crew

 

Iilaw nang dahan-dahan ang entablado, at makikita ang sala ng isang townhouse. Medyo masikip ito, ngunit moderno ang dating. May Christmas tree sa isang sulok.

Kikiriring ang telepono. Matapos ang pangalawang kiriring, makikitang tatakbo paloob ng sala ang isang babae, may 30 anyos, naka-maid's-uniform. Sasagutin niya ang telepono.


Hello? ... Sino po sila? ... Wala po rito. May message po ba kayo? ... Mamayang gabi pa po. .... Aaa ... Nakasalang na po ba? ... Yung i-fa-fax niyo po, nakasalang na ba? ... Okey ho, heto na po ang fax tone ...

May pipindutin si Margie sa telepono, at ibababa ang receiver.

Tutunog naman ang doorbell. Lalabas si Margie, at madidinig itong may tinatanggap sa isang mensahero, at nagpapasalamat. Babalik siya sa sala na may dalang DHL packet na dadalhin niya sa isang maliit na kwartong liliwanag sa tabi ng sala. Ilalapag niya ang DHL packet sa isang mesang may fax machine, sa kung saan may makikitang papel na nakalabas sa likod. Huhugutin ito ni Margie, titignan sandali, at ilalapag rin sa ibabaw ng desk, ipaiilalim sa DHL packet. Kikiriring muli ang telepono.


Hello? ... Oho, lumabas ho. ... Klaro naman po. One page lang ho ba? ... Okey, salamat ho ...

Tutunog na naman ang doorbell. Tutungo si Margie sa bintana at sisilip. Magmamadaling lumabas ng pintuan. Madidinig siyang nakikipag-usap sa isang bill collector ng Meralco. Babalik siya sa sala, tutungo sa maliit na kwartong parang opisina, may kukunin mula sa isang drawer at muling tatakbong palabas.

(offstage): Tenk yu! Agahan niyo naman neks mant. Nun ko pa kayo ini-intay, eh. Yan nga palang enbelop, galing sa Boss ko, pamasko na raw sa inyo. Okey, adbans Merry Christmas din! Tenk yu, salamat ...

Pagbalik ni Margie sa sala, muling kikiriring ang telepono. Sasagutin niya ito.

Hello? ... Oho, ito nga ho. ... Oho, 817-4343. ... Tama ho, kay Mr. Ramirez ho. ... Oho, nag-kumplen nga ho kami nung makalawa, at nawalan po ng dial tone, eh hindi matanggap ng Boss ko yung iniintay niyang fax. ... Mula nga ho nung nag-brownout, namatay na, at hindi na bumalik yung fax tone, ay, yung dial tone pala. ... Pareho po, ito pong voice phone at yung fax machine, pareho hong patay. Ded. Patay. ... Eh hindi na po, may dumating hong PLDT dito kahapon, at naayos naman. ... Hindi na po ded, layb na layb na po. ... Oho, salamat naman ho. ... Si Margie ho ito, Margie Tenorio, katulong lang ho ako dito ... Oho, tenk yu. Tenkyu tenkyu ... Ba-bay ...

Muling tutunog ang doorbell. Sisilip muli si Margie sa bintana. Muling lalabas. Pagbalik niya'y kasama niya ang isang mas bata-batang maid na naka-uniform rin.

Buti nakalabas ka.

Ako lang nga, ano. Sina Jenny at Juvy hindi pinayagan, bigla kasing umuwi yung anak ng amo namin, galing pa'ng Baguio, kasama pa yung dalawang apo. Kaya ayun, lutong bigla sina Jenny, eh off na sana kaming dalawa, at Sabado naman, kunyari manonood lang kami ng sine.

Eh bakit naka-uniporme ka pa?

Eh sandali lang nga ako, ano. Isa lang samin ang pinayagan, pero bumalik daw agad, kayat hindi na ko nagpalit. Sabi nina Manang Jenny ako na lang daw ang mag-represent sa kanila. At kukuwentuhan ko na lang sila ni Juvy kung anong mapag-usapan sa miting natin ...

Muling tutunog ang doorbell. Hindi na sisilip sa bintana si Margie. Tutungo na lang sa pintuan.

O, maupo ka muna diyan. Eto pa yata yung mga iba.

Paplakda si Carol sa sofa habang lalabas si Margie. Pero hindi mapakali si Carol, at may hahanapin, makikita ang remote control, pipindutin para buksan ang tv.

Bubukas ang pinto at papasok ang dalawa pang katulong kasama ni Margie. Isa'y nakatatanda, mga 40 anyos na, si MARING, at ang isa naman ay mga 25, si MARIVIC. Pareho silang bisteng-biste at naka-make-up.

Oy! Aba, unang-unang ka, ha, Carol? O, ano yang pinapanood mo, eh blangko?!


Oy! Aba, unang-unang ka, ha, Carol? O, ano yang pinapanood mo, eh blangko?!

Oo nga, eh. Sira ba 'tong tv niyo, Ate Margie?

Asan ba yung ...? Hindi, a. 'Day, cable yan, ano. Pero nasa video ka, kasi yung alaga ko, nanood ng cartoon na VHS tape, kaya naka-video yan. Ayan, o. Ay, mataas na cable channel, mga Bumbay, sumasayaw na naman. Teka, ibaba natin. Saan bang gusto mo? Walang PBA ngayon, 'Day. Dito ka na lang kay Noli de Castro.

Magandang gabi, bayan!

Ay, sinong guest? Si Erap? Ay, sawa na ko sa tabang-lamig na yan! Di na pogi parang dati nung teen-ager pa ko, at nagda-drive pa siya ng mga jeep sa mga sine niya.

Ako rin, di ko paborito yan. Mas maamo ang mukha ni Fernando Poe, ay! Mas mabilis pang sumuntok. Puk-puk-puk-puk-puk! Ganun!

Ha ha ha ha ha ... Ang galing mo palang ju-mab, Ate Margie. Kaya pala walang nakakahalik sa iyo.

Ah, ganun ba yun, kaya ba never-been-kissed itong si Margie!? Akala ko ...

Oy, oy, di yun, ha! Baka maniwala ang nakakarinig, Marivic. Kaya ako walang boyfriend, kasi propesyonal ito, loyal sa Boss. Yan ang trabaho ko, yan ang dapat mahalin ko.

Alien? Alien!

'Nga naman, Marivic. Pa-alien-alien ka diyan, eh, ikaw ang pinapatamaan. Di ka na kasi tumagal sa kung sinong amo ...

Eh sine-sexual harassment ako, eh. Kasalanan ko bang di nila maisnab ang byuti ko ...

Ku, eh, di ... ba't di mo patulan? Sana me townhouse ka na ng sarili mo, ikaw pa'ng amo.

Ha ha ha ... Imbitahin mo kami, ha, Marivic? Party tayo't mag-karaoke, ha?

Asan na kaya yung mga iba? A las singko na, a. Maya-maya lang, maghahanda na ko ng hapunan ...

Uy, si Margie naman, mag-aabala pa! Huwag na.

Kikiriring uli ang doorbell.

O, ayan. Dumadami na'ng mga bisita. Tuloy na'ng miting de abanse na ito.

Bubuksan ni Margie ang pinto at papasok ang apat pang babae. Dalawa sa kanila ang naka-uniporme ng katulong.

Oy, mga tsika! Kanina pa ba kayo diyan? Kay tagal kasing mag-make-up nitong si Bingbing, eh. Akala yata dadalo rin dito yung boyfriend niya.

Oy, Esther. Levis' ba yang denims mong yan? Sexy, a! Aba, at si Bingbing nga, nagmukhang Kabuki na sa kapapahid ng pulbos sa mukha, o.


Oy, Esther. Levis' ba yang denims mong yan? Sexy, a! Aba, at si Bingbing nga, nagmukhang Kabuki na sa kapapahid ng pulbos sa mukha, o. Mukhang may lakad tayo tapos ng miting, ha?

Hanap lang kayo ng mauupuan, ha? O, Linda, Lani, tuloy lang. Eh yung si Jo-Ann, di niyo kasama?

Naku'y natatakot, eh. Ayaw lumabas ng bahay. Wala naman yung Boss namin. Kinukumbinse pa nga ni Diday. Siya na nga'ng magtataong-bahay. Pero natatakot yung bata.

Aba, eh, paano nating pag-uusapan kung wala siya rito? Eh di ba, aalamin natin sa kanya kung totoo nga ang mga alingasngas...?

Eh di mag-videoke na lang tayo. Ate Margie, may videoke feature ba ito? Yung samin, meron, eh. Panay nga ang training namin, baka swertehin at maging Japayuki.

Ano ba'ng swertehin? Swerte na ba sa iyo yun? Ang baba naman ng kaligayahan mo!

Bakit, Ate Esther, okey yata yung papel de Hapon. Yung tawag nilang yen. Yung dating kasama ko sa trabaho, si Maritess, bago ako lumipat dito, nakapag-Tokyo. Dalawang taon lang, pagbalik, ayun, may tricycle na, may kumbinyens store pa. Maliit nga lang, pero kumikita, dun sa may Tramo, malapit sa airport.

Talaga? Eh ba't pa siya bumalik dito? Kung ako siya, nagtagal pa ako, para parang Rustan's nang maipatayo ko. At anong tricycle? Eh di marami nang FX ang pinapa-pasada ko! O kaya dun na lang ako, hanap na lang ako ng waswits na mayamang matanda. Konting tiis lang, pag-nadedbol, eh di tubong lugaw!

Hus, kayong mga bata, oo. Di niyo alam yang lumalabas sa mga bunganga niyo.

Oo nga. Akala niyo ganun na lang yun. At pagka-dali-dali. Aba, yung Ate ko, nag-Hong Kong ng limang taon. Pagbalik dito, wala ring naipon. Eh napamahal ba naman sa kapwa Pinoy, eh ginatasan lang yata siya run. Pag-uwi, buntis, hindi naman sinundan dito. Ayun, balik-probinsiya, hanggang ngayon, nakatingin lagi sa malayo. Kahit yung anak niya, ni hindi maalagaan. Nasiraan na yata ng bait.

Teka, teka, magkukuwentuhan lang ba tayo rito ng mga sariling karanasan? O mga pantasya? Akala ko ba may siryoso tayong pag-uusapan. Teka, asan ba si Margie? Di ba siyang nagpatawag sa atin dito?

Oo, nandiyan na! May ilalabas lang ako. Pakitulong nga, isa sa inyo diyan ...

Si Lani ang tutungo sa kusina. Lalabas naman si Margie na may dalang isang malaking tray na may mga putol-putol na sandwich.

Salamat, Lani. Pakilabas lang yung isa pang tray.

Ibababa ni Margie ang tray sa mababang mesa na kinapapaligiran ng mga babae. Susunod ang tray na dala ni Lani, na may dalawang malaking boteng Coke at mga baso.

Naku, talaga palang nag-abala pa si Ate Margie.

Ang sipag talaga nitong si Margie, oo, bilib ako.

Wow, de-kulay pang mga sandwich! Parang children's party! Meron din bang spaghetting matamis na may hot dog?

Hmm, ang sarap. Di nagtipid sa palaman si Ate Margie! Aba, di lang mayonnaise ito, a!

May itlog, at may bacon pa! Paka-espesyal naman! Pakibigay nga ng recipe, Margie!

Naku, ubos ang bacon and eggs ng Boss Amo! Paano nang breakfast ni Sir bukas?

Oy, Carol, di ako yung tipong nangungupit mula sa refrigerator, ha. Binili ko yan kahapon.


Oy, Carol, di ako yung tipong nangungupit mula sa refrigerator, ha. Binili ko yan kahapon.

Nagbibiro lang naman, Ate, eh. O, eh di dapat may damage kami dito.

Aba'y wala akong dala, kahit barya.

Kaya pala bisting-biste ka.

Naku, wala akong inaasahang abuloy sa inyo, ha. Akong host, akong punong-bala, kayat kayod kong mag-isa itong konting handang ito. O, kulang bang yelo? Teka, kuha pa tayo.

Ako na lang, Ate. Pahinga ka na diyan.

O, ano, umpisahan na natin. Medyo alam ko kung bakit tayo nagpulong dito ngayon, pero yang iba sa inyo, di pa yata. Sabihin mo na, Margie.

Eh, ako naman ay pumayag lang na dito gawin itong pagpupulong natin, at nag-bakasyon ang amo ko't alaga. Pero ang may ideya talaga nito ay si Lani. Kaming unang nag-usap tungkol sa tatalakayin natin ngayong hapon.

Oo nga. May problema kasi sa amin. Dapat siguro malaman ng lahat, at kailangang matulungan natin ang kawawang si Jo-Ann.

O, eto pa'ng yelo, o! Ang dami pa'ng Coke. Bakit, Ate, 'no bang problema ni Jo-Ann, bukod sa teen-edyer pa siya?

Yun na nga ba, eh. Batang-bata pa, pero minamatahan na ng tarantadong amo namin. Eh alam niyo naman, ilan na'ng biniktima niyang buhong na iyan. Kaya nga ba, kami ni Diday, matagal nang gusto yang layasan, eh!

Eh bakit ba? Inaano ba si Jo-Ann?

Minamatahan nga, eh! Umaali-aligid raw.

Ilang taon na ba si Jo-Ann?

Disi-siyete! Eh yung Boss namin, nakabuntis na raw yan ng katulong. At marami nang lumayas diyan na hinalay rin daw. Kami nga lang ni Diday, di niya type, at gurang na kami. Kaya nga kami'ng nilagay diyan ng Senyorang nanay niya. Dati, dun kami kay Senyora, pinalipat kami diyan sa anak niya.

Walang asawa yang playboy na amo niyo, di ba?

Meron, pero matagal nang hiwalay. At napaka-tulis nga nitong amo namin, walang patawad. Ewan ko ba kung sinong nagpasok dito kay Jo-Ann. Isang buwan pa lang. Pinagsabihan namin agad, na huwag maiiwan sa bahay na mag-isa pag nandun si Sir. Eh mukhang may nangyayari na, at parang tuliro na itong si Jo-Ann, eh.

Akala ko nga isasama niyo rito, nang kaming makapagsabi sa kanya na mag-ingat siya, o umalis na siya at baka kung ano pang mangyari.

next page >>>

back to toptop



powered by
FreeFind
  poems | essays | short stories | plays
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece | bibliography
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue