home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplaysbibliographybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

Mauuwi ang eksena sa kantahan, pangungunahan ni Marivic, susunod si Carol, hanggang sasali ang lahat. Kakantahin nila ang "Himno ng Pakikipagsapalaran."


"Makipagsapalaran! Makipagsapalaran!
Matikman ang mundo ng karanasan.
Bilang D.H., yaya, amah, care-giver,
O pa-class pa kuno na au pair—
Kami'y makikipagsapalaran!
Para na rin sa Inang Bayan!"


"OCW, OCW ... Uy, di na pala ngayon!
OFW, OFW ... Yun na pala ngayon!
Contract worker, Filipino worker—
Alang pagkaiba! Pareho rin yun!"


"Saudi, Dubai, Abu Dhabi ...
Hong Kong, Taiwan, Japa-Japayuki ...
Espanya, Greece, Italy ...
Mapasaan man kami ...
Tawag sa ami'y Bagong Bayani.

OCW, OCW ... Uy, di na pala ngayon!
OFW, OFW, yun na pala ngayon!
Contract worker, Filipino worker—
Alang pagkaiba! Pareho rin yun!

Singapore, Kuala Lumpur ...
Mapa-Flor man ang byuti ...
Canada, U.S. of Eeee!
Mapasaan man kami ...
Tawag sa ami'y Bagong Bayani."


"Makipagsapalaran! Makipagsapalaran!
Matikman ang mundo ng karanasan.
Bilang D.H., yaya, amah, care-giver,
O pa-class pa kuno na au pair—
Kami'y makikipagsapalaran!
Para na rin sa Inang Bayan!"


"Linggo sa Stanley Square,
O sa Trocadero sa Gay Paree!
Kakalat-kalat sa London,
Tinitingala si Big Benjie ...
Kami'y bagong-salta, bagong-luma,
Bagong-kita, Bagong Bayani!"


"Dolyar, peseta, sterling man o lira,
Yen o won, ringgit, dinar o anumang pera—
Yan ang padala sa dating pamilya,
Nawalay na, nawalay na,
Lungkot man ngayon ang kasama ..."


"OCW, OCW ... Uy, di na pala ngayon!
OFW, OFW ... Yun na pala ngayon!
Contract worker, Filipino worker—
Alang pagkaiba! Pareho rin yun!"


"Magpadala, magpadala!
Sa agos ng kabayanihan.
Magkodakan, magkodakan!
Isali ang 3-R sa kasulatan.
Mag-remit sa PNB o kay kabayan,
Nang dumating sa pinag-iwanan.
Bahala na silang mag-aritmitik,
Exchange rate man ay papitik-pitik ..."


"Kami'y mamamayani, magsusugal ng buhay,
Magpapaibang-bansa, -ibang klima,
sa kung saan iba'ng uri ng disiplina.
Plantsahin man kami sa mukha,
subukang halayin, at hagupiting parang Sarah ...
Di naman basta pera,
Di naman basta pera
Kayat kami'y nagpa-echa-pwera!
Di naman dahil lang sa kahirapan,
kamalasan sa sariling bayan—
Kayat kami'y nagsapalaran.
Gusto rin naming magliwaliw,
Maiba ang kapaligiran,
Matuto ng ibang salita't patakaran.
Ngunit kung darating
ang biyaya ng kabayanihan,
Ay, di anihin, at ipunin!"


"Dolyar, peseta, sterling man o lira,
Yen o won, ringgit, dinar o anumang pera—
Yan ang ipadala sa dating pamilya,
Nawalay na, nawalay na,
Lungkot man ngayon ang kasama ...

Makipagsapalaran! Makipagsapalaran!
Matikman ang mundo ng karanasan.
Bilang D.H., yaya, amah, care-giver,
O pa-class pa kuno na au pair—

Kami'y makikipagsapalaran!
Para na rin sa Inang Bayan!
Para na rin sa Inang Bayan!

Mapasaan man, mapasaan man,
Para na rin sa Inang Bayan!
Mapasaan man, mapasaan man kami ...
Tawag sa ami'y Bagong Bayani.
Bagong Bayani! Bagong Bayani!"

Ang lahat ay nakatayo at nagtataas ng mga kamao. Didilim ang entablado.

previous page | next page

back to toptop



powered by
FreeFind
  poems | essays | short stories | plays
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece | bibliography
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue