home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplaysgallerybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

 

Mulat, a play by Frank G. Rivera
Mulat ni Frank G. Rivera

published by
THE UNIVERSITY OF SANTO TOMAS PUBLISHING HOUSE
Manila, Philippines
copyright 2002

from the anthology

SI BLANCA SA HULING BIYAHE
Finalist, Best Drama Story of 1989
CMMA CATHOLIC TELEVISION AWARDS, 1990


Original Cast
For the October 1989 Balintataw Television Segment
PTV- 4

Directed by Nick Lizaso

Helen Gamboa /
Aiko Melendez /
Perla Bautista /
Mars Cavestany /
Manolet Parcon /
Jonic Magno /
Aurora Yumol /
Miguel Faustmann /

FADE IN: TAG. 1: LOOB. NIGHTCLUB SA OLONGAPO. GABI

Ilagay sa eksenang ito ang panimulang titulo't pangalan ng mga nagsisiganap at mga may kinalaman sa produksiyon.

Kumakanta si BLANCA ng isang awiting-standard pero kahit anong husay niyang umawit, walang gaanong pumapansin sa kanya

Hinihintay ng mga Amerikanong customers at ng mga kasama nilang hostess na matapos kumanta si BLANCA para sila naman ang humawak ng micropono.

(Kumakanta sa minus one)

No, no. I don't like . . . Me, very ashame.

Yeah, you will sing for me, Baby. Not some mother who puts me to sleep.

Aagawin ng AMERIKANO ang mikropono kay BLANCA at ibibigay ito sa HOSTESS.

Oh, please . . .

Let her sing, Blanca.

But-

No buts. We've had enough of you singing all night. Let this sexy baby do her number.

Huwag mo nang ulitin pa, Pepe. Alam kong gusto niya akong palitan ng mas bata. Ng mas game kaysa akin.

Titingin si BLANCA kay PEPE sa may bar at tatango lamang sa kanya ang manager ng club.

Okey . . .

Aalis sa entablado si BLANCA at mauupo sa isang sulok. Lalapit ang AMERIKANO sa Karaoke machine at pipili ng tape.

You sing this . . .

No, no! I don't like! I like Madonna!

Magtitimpla si BLANCA ng kape habang ang club ay magmimistulang sing-along bar.

CUT TO TAG. 2: LOOB. NIGHTCLUB SA OLONGAPO. GABI.

Kumakanta ang HOSTESS sa entablado at tuwang-tuwa ang AMERIKANO. Umiinom ng kape si BLANCA sa sulok. Kukuha siya ng sigarilyo at bago niya ito masindihan, lalapit si Pepe, ang manager ng club, at sisindihan para sa kanya.

Thank you, Pepe.

Hindi ka yata umiinom.

Kape na lang para hindi ako antukin.

Gaganda ang performance mo kung nakainom ka ng kaunti.

Hindi na, Pepe. Magaamoy-chico lang ako. Mahahalata ng anak kong umiinom na naman ako.

Bakit—naririto ba sa Olongapo si Joanne? Bakasyon na ba?

Wala, Pepe. Luluwas sana ako ngayon sa Maynila. Gusto kong humabol sa huling biyahe.

Nagpasabi si Vicky na hindi makakarating. Wala tayong pamalit na singer sa 'yo ngayon.

Gawin mo munang sing-along ang club. Tutal gusto naman ng customers natin ngayong gabi na sila-sila na lang.

Blanca, iba na ang may regular singer dito. Sa first trip ka na lang lumuwas.

Hinihintay ako ni Joanne. Alam niyang luluwas ako ngayon.

Minsan lang akong makiusap sa 'yo, Blanca. Ipinakiusap kita kay Boss Mack para maging regular dito. Ako ang malilintikan pag dumaan siya ngayong gabi at malamang wala ka. Alam mo namang nakakainitan ka na ng Boss natin.

Huwag mo nang ulitin pa, Pepe. Alam kong gusto niya akong palitan ng mas bata. Ng mas game kaysa akin. Alam kong kaya lang ako naririto hanggang ngayon ay dahil sa rekomendasyon mo.

Kailangan tumupad ka sa pangako mo, Jack. Kailangan mong tuparin ang iyong pangako sa akin at sa anak mo.

Alam mo naman pala, e . . .

Kaya nga sa 'yo ako nagsasabi. Dahil alam kong maiintindihan mo ako.

Basta ikaw, madali akong kausapin. Alam mong sunud-sunuran ako sa 'yo. Pero intindihin mo rin naman ako. Kung papayag ka lamang sa gusto ko, hindi ka magkakaproblema pa.

'And'yan ka na naman, ano na lang ang sasabihin ni Luisa kung papatulan kita?

Hindi naman kailangang malaman ng asawa ko.

Alam mong hindi ako gan'un, Pepe.

Alam ko. Kaya ako nagtataka kung bakit sa dami ng babae rito, ikaw pa ang gusto ko.

Tigilan mo na nga 'yan.

Pero kaya siguro kita nagustuhan ay dahil ganyan ka.

Payag ka nang humabol ako sa huling biyahe?

Kung papayag ka sa gusto ko, hindi ka na kailangang magbiyahe pa buwan-buwan. Iaapartment kita sa Maynila para doon kayo magsama ni Joanne.

Lasing ka na.

Lasing o hindi, alam mo ang gusto ko.

Okey, ikaw ang masusunod. Sa first trip na lang ako luluwas.

Papatayin ni BLANCA ang sigarilyo at tatayo papuntang entablado na ngayon ay wala nang tao. Kukunin niya ang mikropono.

My next song is heartily dedicated to all the handsome young sailors in the crowd . . .

Masigabong papalakpak ang ilang Amerikanong naroroon. Papalakpak din si PEPE na iiling-iling.

(Muling kakanta ng standard sa minus one.)

...not because I delivered an anti-U.S. bases line does it correlate that I am an American hater. We have a lot of American friends who even sympathize with this belief.

CUT TO: TAG. 3. LOOB. SILID NI BLANCA. GABI.

Suot pa rin ang damit kanina, papasok si BLANCA sa kuwarto, pupunta sa cabinet at kukuha ng bag. May mahuhulog na isang lumang litrato ng isang matandang Amerikano. Dadamputin ni BLANCA ang litrato at babasahin ang nakasulat sa likod.

(sa sarili) "To my dearest daughter-Blanca, with all my love, Papa."

Mapapailing si BLANCA at ibabalik ang litrato sa ilalim ng mga lumang damit sa cabinet. Pupunta si BLANCA sa harap ng salamin. May dalawang litrato roon na naka-kuwadro. Isa kay JOANNE, ang kanyang anak na dalagita; at ang isa pa ay kay JACK, dati niyang kasintahan at ama ni JOANNE. Tititigan niya ang mga litrato pagkatapos ay titingin sa salamin. Mapait ang magiging ngiti niya.

(Sa sarili)Wala ka nang ginawa kundi maghintay. Wala nang ginawa kundi umasa sa mga pangako.

Aalisin niya ang kanyang make-up. Pagkatapos, kukunin ang litrato ni JACK.

(Sa sarili) "My dearest Blanca and Joanne, my family in the Philippines. Love, Daddy."

Mapapabuntong-hininga si BLANCA.

(Sa sarili) Kailangan tumupad ka sa pangako mo, Jack. Kailangan mong tuparin ang iyong pangako sa akin at sa anak mo.

Ibababa ni BLANCA ang litrato at mamumuo ang luha sa mata.

CUT TO: TAG. 4: LABAS. CAMPUS NG U.P. ARAW

Nakangiti si JOANNE nang habang papalapit sa pulutong ng mga estudyanteng may hawak-hawak na mga placards. Nakasulat dito ang mga slogans na bumabatikos sa mga Amerikano, tulad ng: US BASES OUT; STOP AIDS, CLOSE DOWN THE US BASES; AMERICANS, STOP MEDDLING IN PHIL. AFFAIRS; A.I.D.S. IS AN ACRONYM FOR US BASES.

Mawawala ang ngiti ni JOANNE at mapapalitan ito ng pagkainis.

US bases out! US bases out! US bases out!

Lalapit si JOANNE sa mga estudyante at manonood sa kanilang ginagawang rally. Nasa gitna ng mga estudyante ang kaibigan niyang si LITO na may hawak na megaphone at nagtatalumpati.

"We are for the expulsion of the U.S. bases. We cannot keep them here indefinitely until our problems of poverty, unemployment and foreign debt are solved. These problems will extend indefinitely as long as our social structure remains unjust and foreign claws continue to bite deeply into our economy."

Papanoorin ni JOANNE si LITO. Halatang hindi kaisa ng grupo si JOANNE na noon ay nagsisimula nang mamula sa galit.

"No, we can never be independent if all of the Philippines held on to that belief and not have faith in our own capabilities. It is true that we need all the aid we can get from foreign countries to help us. But not so much that we must surrender our sovereignty and dignity."

Magtatama ang mga paningin nina JOANNE at LITO. Ipakikita ni JOANNE ang kanyang galit kay LITO sa padabog niyang pag-alis.

"In closing, we would like to add that we do not want the government to take its own sweet time to decide on the issue of the U.S. bases. 1991 is fast approaching and the time to act and decide is NOW. We pray, in communion with all Filipino students, that the decision will be the right one."

Magpapalakpakan at maghihiyawan ang mga nanonood. Bababa ng entablado si LITO at susundan ang papalayong si JOANNE.

US bases out! US bases out! US bases out!

CUT TO: TAG. 5: LABAS. CAMPUS NG U.P. ARAW.

Makikita ni JOANNE ang mga posters na nakapaskel sa dingding ng gusali. Nakasulat sa posters ang mga slogans laban sa U.S. bases. Hahablutin ni JOANNE ang mga ito dahil sa tindi ng galit.

Out! Out! Out!

Darating si LITO at pipigilan si JOANNE.

Joanne, sandali lang! Ba't ka ganyan? Mag-usap nga tayo. Ano ba?

Anong ano ba? Sinampal mo ako, tinapakan mo ako, niyurakan. Pagkakatapos, haharap ka sa akin ngayon!

Alam mong hindi ikaw ang kinakalaban ko. Alam mong ginagaw ko ang dapat kong gawin.

Lito, ang ina ko—mestisang-Amerikano. Ang ama ko, purong-Amerikano, at ako, seventy-five percent na Amerikano. Anong palagay mo sa akin, manhid?

Joanne, not because I delivered an anti-U.S. bases line does it correlate that I am an American hater. We have a lot of American friends who even sympathize with this belief.

Lagi tayong naghihintay. Naghihintay sa petition ng Lolo na kukunin ka at dadalhin tayo sa Amerika. Pero hanggang ngayon, dalaga na ako-hindi pa rin natutupad ang pangako.

Then, you count me out! At huwag kang mag-Ingles dahil di bagay sa 'yo.

O, di—ngayon, inamin mo rin ang gusto kong sabihin, Joanne. Alam kong Pilipino ka rin sa loob mo.

How presumptuous!

Tatalikod si JOANNE.

Joanne!

Get out! Out of my life!

Mapapailing na lamang si LITO.

CUT TO: TAG. 6: LOOB. DORMITORYO, ARAW.

Naidlip sa sofa sa receiving room sa dormitoryo si BLANCA. Darating si JOANNE at ituturo sa kanya ng receptionist ang natutulog na bisita. Lalapitan ni JOANNE si BLANCA.

Mama . . .?

Joanne, anak.

Kaninang madaling-araw ko pa kayo hinihintay. Akala ko tuloy, bukas na kayo makakarating.

Nag-off si Vicky kagabi kaya hindi ako nakahabol sa huling biyahe. Naiwan din ako ng first trip kaya, alas-otso na ako nakarating. Napakatraffic sa expressway dahil may aksidente.

Sorry, Ma-kung nainip kayo sa paghihintay. May klase kasi ako ng eight. Pagkatapos, dumaan ako sa post office. May sulat ang Daddy.

Anong sabi?

Ilalabas ni JOANNE ang sulat at ibibigay kay BLANCA. Babasahin ito ng ina. Papanoorin ni JOANNE si BLANCA habang nagbabasa, hihimasin pa ang buhok nito.

Siguro, pagod na pagod kayo sa biyahe, ano? Siguro wala pa kayong tulog.

Okey lang. Sanay na ako. Nagpapadala pala ang Daddy mo ng money order.

Dating allotment, Mama. One hundred dollars.

Ba't hindi pa niya dinadagdagan? Sinulatan ko rin siya't sinabi kong dagdagan naman ang ipinapadala sa 'yo dahil lahat dito, tumataas na.

Tapusin n'yo munang basahin ang sulat. Naririyan ang sagot sa mga tanong n'yo.

Ipagpapatuloy ni BLANCA ang pagbasa.

Kahit hindi magdagdag ang Daddy, kaya pa naman natin, di ba? Okey pa naman ang kita ninyo, di ba?

Dadalaw ang Daddy mo rito!

Hindi ba kayo excited? Sa wakas makikita ko rin ang Daddy ko. Sa wakas, magkakasama-sama na rin tayo.

Pero hindi sinasabi kung kailan.

Pero at least, we already have something to look forward to. Hindi katulad noon, lagi tayong nangangapa. Lagi tayong naghihintay. Naghihintay sa petition ng Lolo na kukunin ka at dadalhin tayo sa Amerika. Pero hanggang ngayon, dalaga na ako-hindi pa rin natutupad ang pangako. Siguro, ang Daddy ko na ang magdadala sa atin sa Amerika. Siguro, puwede na nating kalimutan ang pangako ng Lolo.

Pinangakuan lang niya ako't iniwan pagkatapos. Pinangakuang babalikan ako pero ginawa ba niya? Hindi!

Isa 'yan sa ipinarito ko, Joanne. Wala na ang Lolo mo. Natanggap ko ang sulat ng asawa ni Papa kahapon. N'ung isang buwan pa raw namatay ang Lolo mo. Kaya pala mag-iisang taon nang hindi sumusulat sa atin ang Papa. Malubha na pala siya.

I'm sorry, Mama.

Ewan ko ba, anak. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko ngayon. May kaunting sakit, dahil wala na ang nagbigay sa akin ng buhay. Dahil nawala siyang ni hindi ko man lubusang nakilala.

Bayaan n'yo, Ma. Iba ang Daddy ko. At least, mas kilala natin ang Daddy kaysa Lolo.

Bubuksan ni BLANCA ang kanyang bag at kukunin ang sobre at ibibigay kay JOANNE.

Pasensiya ka na rito, anak. Idagdag mo na lang sa padala ng Daddy mo. Siguro magkakasya na 'yan para sa kulang mo sa matrikula at sa mga gastusin at babayaran mo rito sa dorm. Mahina ang pasok ng pera ngayon sa club.

Huwag kayong mag-alala, Ma. Iiwan n'yo rin ang club pag dinala na namin kayo ng Daddy sa Amerika. Kami na lang ng Daddy ang kakantahan mo.

next >>>

back to toptop | first page | about the author

 



powered by
FreeFind
  poems | essays | short stories | plays | gallery
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue