home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplaysgallerybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

 

CUT TO: TAG, 13: LOOB. NIGHTCLUB SA OLONGAPO. GABI. NAKARAAN.

FLASHBACK pa rin at nangyari walong taon na ang nakalipas. Habang kumakanta si BLANCA sa entablado, ang manager na si PEPE at ang BATANG JOANNE ay nasa isang sulok.

Ang ganda talaga ng boses ng Mama mo, ano? Pag malaki ka na, gusto mo rin bang maging singer tulad niya, Joanne?

Hindi po, Tito Pepe. Gusto kong maging tunay na Amerikano. Gusto kong magpunta sa Amerika.

Bayaan mo, Joanne. Tutulungan kitang magpunta sa Amerika kung tutulungan mo rin ako sa iyong Mama. Pupunta na tayong tatlo sa Disneyland at doon na tayo titira. Gusto mo 'yun?

Gusto ko, pero ayaw naman ni Mama ko sa 'yo. At saka ang Daddy ko ang magdadala sa amin sa Disneyland. May bahay na siya doon. Hinihintay nga namin siya, e.

E, matagal n'yo na siyang hinihintay, a? Hindi ka pa nga ipinapanganak, hinihintay na siya ng Mama mo. Buhay pa nga ang Lola mo, naghihintay na si Blanca sa Daddy mo. Matagal nang patay ang Lola mo at malaki ka na, naghihintay pa rin.

Pero hindi n'yo ba alam na lagi namang sumusulat sa amin ang Daddy?

Sumusulat? E, anong sabi?

Magtatapos kumanta si BLANCA at pupuntahan niya sina PEPE at BATANG JOANNE.

Kukunin daw niya kami rito at dadalhin kami sa Amerika.

Sabi-sabi lang 'yun. Pero hindi matutupad.

Pepe, kung anu-anong sinasabi mo sa bata.

Ikaw ang kung anu-anong sinasabi sa kanya.

Mas mabuti ang may hinahawakan siyang pag-asa.

Blanca, hindi ka na nadala. Hanggang ngayon ba, umaasa ka pa?

'Yun lang ang meron ako, aalisin mo pa sa akin.

Ikaw ang bahala.

CUT TO: TAG. 14: LOOB. BAHAY NI BLANCA. GABI. NAKARAAN.

FLASHBACK pa rin at nangyari walong taon na ang nakalipas. Nakahiga sa kama ang BATANG JOANNE. Dahan-dahan papasok sa silid si BLANCA na galing sa club. Naririnig niyang humihikbi ang bata.

Joanne . . .? Gising ka pa?

Hindi ako makatulog, Mama.

Bakit, anak? May sakit ka ba?

Wala ho. Natatakot lang ako, kasi, sabi ng mga kalaro ko at saka mga kaeskuwela, paglaki ko raw, magiging katulad ko raw kayo. . .

Joanne, huwag mo silang pakinggan. Naiinggit lang sila sa'yo. Kung ayaw mong matulad sa akin, okey lang. Pero eto ang sasabihin ko sa 'yo, anak-hindi masama ang ginagawa ko. Walang masama sa ginagawa ko. Kumakanta lang ako sa club para mabuhay tayo. Para mapag-aral kita. Ito lang ang alam kong gawin, anak . . . At tinitiyak ko sa'yo, hindi ito masama.

Huwag kang magsalita nang patapos, Mama. Marami pang biyahe. Maaari ka pang humabol.

Naniniwala ako sa 'yo, pero mangako ka pa rin, Mama. Mangako ka sa akin na hindi mo gagawin ang sinasabi ng mga kalaro't kaeskuwela ko. Mangako ka-dahil ayaw kong maging ganoon ka.

Oo, Joanne. Hindi ko gagawin 'yan. Hindi kailanman. Ipinangangako ko.

Sana totoo ang pangako mo. Sana, hindi tulad ng Daddy na puro pangako lamang.

CUT TO: TAG. 15: LOOB. BAHAY NI BLANCA. ARAW. NAKARAAN.

FLASHBACK pa rin at nangyari isang taon pa lamang ang nakalilipas. Dalaga na si JOANNE at papuntang Maynila para mag-aral. Tinutulungan siya ni BLANCA sa pag-impake ng dadalhin niya.

Mag-aaral kang mabuti, anak.

Mama, hindi mo na dapat pang sabihin 'yan, nakikita ko naman ang hirap mo para lamang pag-aralin ako sa Maynila. Bayaan mo't malapit ka nang huminto ng pagkanta sa club pag natapos na ako.

Bayaan mo na ako sa pagkanta ko't nalilibang naman ako sa trabahong ito. At least, hindi ako tumatanda agad. Sabi ni Vicky, parang mag-kapatid lang tayo.

Talaga naman, Mama. Kung ngayon ka makikita ng Daddy, tiyak na hindi ka niya maiiwan. Tiyak na kasalan agad.

Naku, tama na sa akin ang ganito. Tama na ang minsan-minsan ay sumusulat siya sa'yo. At minsan-minsan ay nagpapadala ng pamasko. Tama na ang ganito. Ang Daddy mo at ang Papa ko-pareho lang sila.

Huwag na muna natin sila pag-usapan at baka mamaya, umiyak na naman kayo. Ayaw kong baunin sa Maynila ang luha ninyo.

Nasanay na ako, Joanne. Natanggap ko na ang kapalaran ko.

Huwag kang magsalita nang patapos, Mama. Marami pang biyahe. Maaari ka pang humabol.

Ayaw kong maging plastic sa 'yo dahil pareho nating alam na magkaiba tayo
ng pinaniniwalaan at pinaninindigan.

Ilalabas ni BLANCA ang isang sobre at ibibigay ito kay JOANNE.

Sabihin mo, nahuli na nga ako sa biyahe. Eto, pabaon sa 'yo ni Vicky. Nariyan din ang pabaon ng Tito Pepe mo.

Hanggang ngayon ba, gumigiri pa rin sa 'yo si Tito Pepe?

Huwag kang mag-alala. Hanggang sa paggiri lang si Pepe. Kung doon nga sa mga binata, hindi ako pumapatol, sa may asawa pa?

Sige, Mama. Baka gabihin ako sa daan. Mahirap sumakay sa last rip. Laging siksikan. Pakisabi na lang kay Tito Pepe at kay Vicky, salamat sa pabaon nila.

Makararating . . .

CUT TO: TAG. 16: LOOB. BAHAY NI BLANCA. GABI. KASALUKUYAN

Bababa ni BLANCA ang litrato ni JOANNE. Papasok si VICKY.

Mabuti't inabutan kita.

O, Vicky! Ba't wala ka sa club kagabi? Ba't hindi ka pa nakabihis? Hindi ka pa rin ba papasok ngayon?

Ewan ko, Blanca. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang aking gagawin.

May problema ka ba? Nag-away na naman ba kayo ni Tom?

Sana noon pa, kumalas na ako sa kanya. Baka hindi pa nangyari ito.

Nangyari ang ano?

Saglit na katahimikan. Maya-maya biglang iiyak si VICKY. Hahagulgol nang hahagulgol.

Vicky, ano ba? Tigilan mo nga 'yan. Bata ka pa. Wala ka pang trenta. Maganda. Makakakita ka pa nang higit kay Tom.

Hindi mo ako naiintindihan, Blanca. Ayaw ko na. Ayaw ko na kay Tom. Maysakit ako. Sa Amerikanong 'yun ako nahawa.

Vicky, hindi dahil nagkasakit ka, tapos na ang mundo. Maraming kasong ganyan dito sa Olongapo, sa Angeles, sa Ermita. Magpahinga ka. Magpagamot. Sandali lang 'yan. Ilang dosage lang ng penicillin. Ako ang bahalang magsabi kay Pepe. Maiintidihan n'un. Tiyak na bibigyan ka ng bakasyon. Siguro, kukuha siya ng kahalili mo, pero tiyak, kukunin ka uli paggaling mo.

Blanca, hindi karaniwang VD ang sakit ko. Kaya biglang nawala si Tom sa Subic, dahil may AIDS siya. At nagpa check-up din ako. Lumabas kahapon ang resulta. Zero positive din ako.

May AIDS ka, Vicky?

Blanca, anong gagawin ko?

CUT TO: TAG. 17: LABAS. PARKE / KAMPUS. ARAW.

Nakaupo sa ilalim ng puno sina JOANNE at LITO.

Hindi ako mag-aapologize sa 'yo dahil alam mong gan'un talaga ang pinaniniwalaan ko. Ayaw kong maging plastic sa 'yo dahil pareho nating alam na magkaiba tayo ng pinaniniwalaan at pinaninindigan.

Hindi mamamatay ang Olongapo o ang Angeles kapag nawala ang mga base militar doon. Remember, lalong umaasenso ang Cavite City nang umalis sa Sangley Point ang mga Amerikano!

Mabuti pa sigurong tapusin na natin ito, Lito. Wala rin lamang mangyayari. Ibang-iba ka kaysa akin.

Hindi dahil magkaiba ang ating mga political views, magkaiba na tayong dalawa.

And I always thought one leads to the other.

Not necessarily, Joanne. We can still be steadies without having to talk about our political beliefs.

'Yan talagang plastikan, Lito. Pray, tell me, how in heaven's name can I look into your eyes and pretend I don't hate your guts?

Do you hate me now?

Lito, mahal ko ang aking pinanggalingan. 'Yun ang aking past, present and future.

And all the while I thought na tayong dalawa ang future!

Sasama ako sa Daddy ko sa States.

Susundan kita roon.

Makakakuha ka kaya ng visa after your staunch stand against the U.S. bases?

The U.S. bases have nothing to do with our relationship!

Yes, they have, Lito! Doon kami kumukuha ng ikinabubuhay. Taga-Olongapo ako at mahal ko ang bayan ko at nabubuhay ang Olongapo dahil sa Subic.

Hindi mamamatay ang Olongapo o ang Angeles kapag nawala ang mga base militar doon. Remember, lalong umaasenso ang Cavite City nang umalis sa Sangley Point ang mga Amerikano!

Wala na nga kayong mga dolyar
na pambayad, gusto n'yo pang mawalan din kami ng pagkakakitaan!

Lito, walang pupuntahan ang diskusyong ito. You go ahead with your anti-U.S. stand and I'll go with my Dad. Goodbye!

Aalis si JOANNE. Hahabulin siya ni LITO.

We will get back our dignity, our sovereignty if the U.S. military bases leave our country. We will be truly independent if-

And what about the communists?

The U.S. bases are not guaranteed to stop communism! Look at Cuba! Naging komunista ang Cuba kahit may military bases doon ang Estados Unidos!

Nasasabi mo 'yan dahil hindi ka pa nakarating sa Olongapo't sa Angeles. Hindi mo pa nakikita ang tunay na kalagayan doon. Hindi mo pa naririnig ang true sentiments ng mga tagaroon!

Don't worry! Naka-schedule kaming mag-research at mag-survey sa Angeles at sa Olongapo!

Go ahead. Good luck!

Joanne, wait! Be reasonable!

<<< back | next >>>

back to toptop | first page | about the author

 



powered by
FreeFind
  poems | essays | short stories | plays | gallery
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue