home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplaysgallerybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

 

CUT TO: TAG. 18: LOOB. NIGHTCLUB SA OLONGAPO. GABI.

Nasa entablado si BLANCA at umaawit samantalang si LITO at ang BARKADA nito ay nasa isang sulok ng club.

Masama talaga ang mangyayari kung daanin sa botohan ang isyu ng base militar. Malamang na mananalo ang mga pro-bases.

Mas marami ang misinformed at miseducated. Nakabaon talaga sa mga kukote nila ang paniniwalang malaki ang naitutulong ng base-militar sa ekonomiya ng ating bansa.

Hindi nila nakikita na ang tunay na pinangangalagaan ng mga base-militar na 'yan ay ang ekonomiya ng Estados Unidos at hindi ang sa atin.

Natural lang 'yon dahil kanila naman talaga ang mga bases.

May HOSTESS na aali-aligid sa kanila.

Ang hindi natural ay ang panloloko sa mga Pilipino na kesyo sa kapakanan natin ito. Wala na sanang lokohan, magbayad na lang sila ng tamang rental. Tutal sa Pilipinas naman talaga ang kinatitirikan ng kanilang mga base.

At pagkatapos ng 1991, dapat umalis na sila rito!

Join ako, puwede?

Wala kaming dollars.

Mauupo ang HOSTESS sa mesa nila.

Pero kayo lang ang customers dito kaya type na rin.

Kailangan natin ay isang malaking campaign na magmumulat sa mata ng mga Pilipino sa kasamaang dulot ng pamamalagi ng mga Amerikano rito.

Aba, dapat ding imulat ang mata ng lahat sa kabutihang dala sa atin ng mga Amerikano, di ba? Para fair!

Mapapatingin sina LITO sa HOSTESS.

May kabutihan ba?

Wala!

Fair ba silang maglaro?

Hindi!

Mga komunista kayo, ano?

Hindi! Mga Pilipinong maka-Pilipino lang.

Hindi ba iisa 'yun?

'Yan ang kampanya ng mga Amerikano na dapat nating kalabanin. Ang paniniwalang basta tumayo ka't lumaban sa establisamento ay komunista ka na!

Komunista ang nagpauso sa anti-U.S. base campaign dahil gusto nila, sila ang maghari dito! Tama?

Mali!

Wala na nga kayong mga dolyar na pambayad, gusto n'yo pang mawalan din kami ng pagkakakitaan!

Sobra na ang pagka-misinformed at pagka-miseducated natin. Kaya pati tayo, nagkakaganito. Mga kapwa-Pilipino nag-aaway dahil sa gulong ginagawa ng Amerikano.

Gusto n'yong magka-AIDS na marami rito? Gusto n'yong tuluyang mawalan ng dignidad?

May ipapakain ba kayo sa amin at sa mga anak namin pag nanalo ang gusto ninyo?

Hindi lamang laman-tiyan ang pinaguusapan dito, kundi tunay na pagkatao.

Anong palagay n'yo sa amin-hindi tao?

Hindi kami ang may palagay n'yan. Mga Amerikano ang may tratong-hayop sa inyo!

Galit na galit na itataob ng HOSTESS ang mesa.

Bastos! Mga bastos!

Magkakagulo sa pagkanta si BLANCA. Lalapit si PEPE sa nagwawalang HOSTESS.

Masyado kayong mapagdunung-dunungan!

Bakit, Jean?

Kalaban, Boss! Mga kalaban sila.

Wala kaming ginagawang masama. Hindi kami nanggugulo!

Hindi pala, ha?

Sesenyasan ni PEPE ang ibang kalalakihan sa club at dudumugin nila sina LITO at BARKADA.

Bugbugin 'yan para magtanda!

Huwag po! Huwag po!

Lalapit sa kanila si BLANCA at aawatin sila.

Pepe! Tama na! Mga bata lang ang mga 'yan! Tama na!

Bayaan mong magtanda. Para mamili sila nang kakalabanin! Mga komunista!

Walang magagawa si BLANCA. Patuloy na bubugbugin si LITO at ang BARKADA hanggang sila ay malugmok.

CUT TO: TAG. 19: LOOB. DOMITORYO. ARAW.

May pasa sa mukha si LITO at may benda ang kanyang kamay. Kaharap niya si JOANNE sa receiving room ng domitoryo.

'yan ang napala mo sa pakikialam. That's their turf. Hindi sana kayo basta-basta sumugod doon.

Nangyari na nga, sisisihin mo pa.

Well, you asked for it.

Hindi 'yun ang masakit, e. Sobra na ang pagka-misinformed at pagka-miseducated natin. Kaya pati tayo, nagkakaganito. Mga kapwa-Pilipino nag-aaway dahil sa gulong ginagawa ng Amerikano.

Lito, hindi masamang babae ang Mama ko. Singer siya! Hindi hostess! Hindi puta! Singer! Malaki ang pagkakaiba n'un, Lito!

If I were you, hindi na ako kikilos at gagalaw nang gagalaw. At magdadadaldal! Lalo lang sasakit ang bugbog mo.

Ang sakit-sakit talaga. Napilay yata ang braso ko't nalamog ang tuhod ko.

Ewan ko ba kung matutuwa ako o maaawa sa nangyari sa 'yo.

Darating si BLANCA para bumisita kay JOANNE.

Joanne!

Mama! Naku, kanina ko pa kayo hinihintay dahil may magandang balita ako tungkol sa Daddy!

Sasamahan ni JOANNE si BLANCA sa upuan katabi ni LITO.

Nahuli ako sa biyahe kagabi kaya ngayon lang ako.

Mama, si Lito . . . Lito, ang Mama ko.

Matitigilang pareho sina BLANCA at LITO.

Siya ang mother mo?

Hindi makapaniwala si LITO.

CUT TO: TAG. 20: LABAS. KAMPUS. ARAW.

May binabasang libro si LITO nang dumating si JOANNE at maupo sa tabi niya.

Hi!

Hi . . .

Magaling na pala ang mga bugbog mo.

Oo. Pero ako, hindi pa ako magaling dahil hindi pa tayo okey.

Ikaw naman ang may kasalanan, e.

Ako pa? Ako pa ang sisisihin mo-e, ikaw pala ang maraming itinatago.

Hindi ako naglihim sa 'yo kahit kelan. I have always been open with you.

Ba't hindi mo sinabi sa akin na ganoon pala ang trabaho ng Mama mo?

Sinabi ang ano? Lito, hindi masamang babae ang Mama ko. Singer siya! Hindi hostess! Hindi puta! Singer! Malaki ang pagkakaiba n'un, Lito!

Mabuti pa si Vicky. Kahit may sakit siya, alam niya kung anong mangyayari sa kanya. Pero ako, patuloy pa rin ako nangangapa sa dilim.

Kaya?

Sasampalin ni Joanne si Lito at saka aalis.

<<< back | next >>>

back to toptop | first page | about the author

 



powered by
FreeFind
  poems | essays | short stories | plays | gallery
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue