home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesbookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

Pitongpu't pitong puting tupa
Pitongpu't pitong puting tupa
Paulit-ulit na isinasambit
Pilit na inuulit sa pagwaglit
Sa hirap na hindi malirip

Dati na itong isinasambit
Dati'y laro ng dila sa galing ng pagsalita
Ngunit ngayo'y pagtighaw ng pagod at galit
At sa sandaling paglimot
Sa kalagayang puno ng dalit

Ako ngayon ay nakatihaya
At sa kin'y may nakapatong na mama
Katawan nya'y umuunday-unday
May sabay pang hagok at hingal
At lamas na madiin sa dibdib kong iningatan

Mata ko'y nakapikit, kagat ang labi
At sa gunita ko ilan beses isinasambit
Pitongpu't pitong puting tupa
Pitongpu't pitong puting tupa
At ito ay paulit-ulit ... paulit-ulit

Kapalit nito ay pera para sa gamot ni Nanay.
Sa pagpagawa rin ng bahay at
Pambili ng pagkain sa kapatid na anim.
Damit, sapatos, aklat at pang-matrikula sa eskuwela
Upang sila nama'y makapag-aral at magka diploma

Hala, sige! Sige pa! Pagbutihin ang ikot
Igiling pati balakang! Sabayan ng indayog!
At maya maya lang ito ay tapos!
Pitongpu't pitong puting tupa
Pitongpu't pitong puting tupa

Hinga. Hagok. Tili. Ungol!
Hagikgik na pino na akala'y tuwang-tuwa!
Kilitiin pa nang todo nang matapos!
Pitongpu't pitong puting tupa!
Pitongpu't pitong puting tupa!

Kapatid, ama, ina, anak pati na asawa
Nagsasalimbayan kayo sa aking ala-ala
Pagkain, gamot, bahay, eskuwela
Pangangailangan sa gunita ko'y nakalista
At sa ganitong gawain kaya kong sagutin

Pitongpu't pitong puting tupa
Pitongpu't pitong puting tupa
Tapos na sya at inabot na ang bayad
Pitongpu't pitong puting tupa
Pitongpu't pitong puting AY! Ako ay PUTA!

—reprinted from Migrant Focus Magazine V.1 Issue 3.

© Corazon Amaya-Cañete

| poets' bios |



powered by
FreeFind

PROSE 
CINQUAINS 
SEPTEMBER 11
SOLOS 
SETS 

  CORAZON AMAYA-
  CAÑETE
  Pitungpu't Pitong
  Puting Tupa


  KIM CASTRO
  Don't Lie to Me
  About Power


  VICTOR P.
  GENDRANO
  Ang Aking Bayan -
  My Homeland


  TALA HAIRSTON
  Blizzard Blast

  TALA FLORENTINO
  KERNAN
  I Am The Head Who
  Only Eats Bodies


  JOSEPH O. LEGASPI
  My Grandmother,
  In Increments


  ANGEL MAGAHUM
  Ang Sampaguita

  MAURESE OWENS
  Monday Evening

  HAPPY GAIL C.
  SALINAS
  My New Eyes

  OMAR F. TELAN
  Poem After Neruda

                 
  poems | essays | short stories
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue