home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesbookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

pasensiya na po
ako'y pagod at balot ng lungkot
giniginaw ang likod ko
at umiikot ang utak sa magkahalong
baliktad na oras at hapunang tinapay
pati na pagkabahala sa anak na naiwan
di kayang hugasan ng sandaang beer ng Belgium
at pulang alak na Pranses

pasensiya na po
kung ang heater na bakal sa silid
ay di makapantay sa init ng aking paa't kamay
na hinubog sa aspalto't araw-Maynila
kung ang panaginip ay hindi danke wel at Hommel
kundi salamat at San Miguel

       hindi olive oil kundi patis
       hindi mayonnaise kundi bagoong
       hindi Leonidas kundi choc-nut
       hindi vaccum cleaner kundi walis tingting
       hindi patatas kundi kanin

pasensiya na po
naiinis din ako sa sarili
kung bakit sa kabila ng rangya at pag-aalaga
sa kabila ng palakpak at busog na tiyan
ay binabantayan pa rin ng pangamba
dinadalaw pa rin ng kalungkutan
sa tagal ng pag-uwi, sa paghihintay

pasensiya na po
sa panakaw na gunita
ng pagtawid sa tulay na takda

       ng gabi at hindi umaga
       ng lamig at hindi init
       ng layo at hindi lapit
       ng lupa at hindi langit
       ng ngayon at hindi bukas

habang binibilang ang mga araw
na kay bagal malagas
sa tangkay ng isipan

-Rouselare, Belgium, ika-13 ng Marso

© Al Santos

| poets' bios |



powered by
FreeFind

PROSE 
CINQUAINS 
SEPTEMBER 11
SOLOS 
SETS 

  ELBINA BATALA
  Heart
  There Is No Silence

  CARLENE SOBRINO
  BONNIVIER
  Surface Tension
  Fog
  Breakfast
  Haiku

  LUIS CABALQUINTO
  Red Layt
  Kay Emmanuel
  Mahiwagang Umaga

  SOTERA CATAYAS
  Only Pride
  Mixed Feelings

  GLORIA DEL
  CARMEN
  This Death
  Mad World

  FELIX FOJAS
  Orange Grove Road
  Far Country
  Ithaca

  ELMER OMAR
  BASCOS PIZO
  17 Ways of Looking
    at a Brown Man
    and Woman

  Fish Sauce
  Black Dog

  AL SANTOS
  Pasensiya na Po
  Unang Umaga
    sa Europa

  Dalawang Pulis,
    Dalawang Pinoy

  Dinuguan sa Tren
  Bulaklak at Tren
    sa Tagsibol

  Pag-uwi

  poems | essays | short stories
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue