home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaystheatre scenesplaysbibliographybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

 

Ang Artista
(Mama Sarah)
Sa Alaala ni Sarah K. Joaquin, artista sa teatro
ni Emmanuel Batulan

 

Simula pa sa iyong kamusmusan
Sining at kultura ang nasa isipan
Ibig mong umarte, sumayaw at kumanta
Sa tanghalan, ang puso mo ay nahalina.

Maraming nagsabi na walang kahihinatnan
Ang pangarap na sa wari ay kabulastugan
Ang marupok na damdamin ay masasaktan
Kung hindi sisikat sa madlang pihikan.

Ngunit hindi mahalaga na sila'y sumangayon
Sapagkat matatag ang iyong layon
Ang hilig ay dadalhin kahit saan pumaroon
Ikaw ay liligaya, pagbukas ng telon.

Sa kisap ng mata, panahon ay lumipas
Ang angking kariktan ay hindi nakaligtas
Makinis na balat, ngayon ay may bahid kupas
Indayog ng baywang ay naging matigas.

Sa madaling salita ikaw ay tumanda
Kagandahang panlabas ay lubusang mawawala
Talino sa ulo ay hindi magbabago
Lalong titingkad sa anyo moderno.

Ang katandaan ay hindi naging sagabal
Kakayahan sa sining hindi ginawang kalakal
Mahalaga sa iyo dula ay maitanghal
Pagmamahal ng madla ang tanging parangal.

© Emmanuel Batulan

 

back to toptop | about the author



powered by
FreeFind

EMMANUEL BATULAN
Ang Artista

LUIS CABALQUINTO
Musikal

KIMBERLY A. CASTRO
Slam Poems

JERRY GRANDEA
Olive Children
  poems | essays | plays | tales | scenes
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece | bibliography
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue