home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaystheatre scenesplaysbibliographybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

 

Musikal
ni Luis Cabalquinto

 

Matapos panoorin sa Broadway
ang dulang musikal na "Miss Saigon"
ng anak kong isinilang dito
sa Amerika (na nakaligtaan
naming turuan ng katutubo
kong salitang Bikol o ng
Chabacano ng kanyang nanay;
at kukunti lang ang alam sa Pilipino)—
ayon siya ngayon, naliligo
sa banyo at kanta nang kanta
ala Kim ni Lea Salonga;
at kagabi din, sa masayang sabay
naming kainan, tanong pa nang
tanong kung kaylan daw namin
muling dadalawin ang Mayon sa Bikol
at ang Pasonanca sa Zamboanga.

© Luis Cabalquinto

 

back to toptop | about the author



powered by
FreeFind

EMMANUEL BATULAN
Ang Artista

LUIS CABALQUINTO
Musikal

KIMBERLY A. CASTRO
Slam Poems

JERRY GRANDEA
Olive Children
  poems | essays | plays | tales | scenes
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece | bibliography
books | links | archives | index to issues
readers | about us | current issue