home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesbibliographybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

Isang Kundiman
titik at musika ni Gerry de Leon
dedicated to all Filipinos living outside the Philippines


1
Nais kong makarinig ng awiting nagbuhat
Sa bayang aking sinilangan
Malungkot ang manirahan sa bansang ika'y dayuhan
Ako'y nasasabik makarinig ng isang kundiman

2
Kung kapiling ka'y maiibsan ang kalungkutan
Ngunit dagat ang sa ati'y nakapagitan
May panglaw kislap ng bituin
May hapdi dampi ng hangin
Ako'y nasasabik makarinig ng isang kundiman

KORO
Bakit noo'y di ko pansin ang himig ng pag-ibig mo
Ngayo'y sabik ang puso ko sa tinig at awitin mo
Kailangan bang matikman ko
Ang malayo sa piling mo?
Upang hanapin ka at mahalin
...O bayan ko?

© Gerry M. de Leon

back to toptop | about the author



powered by
FreeFind

JOEY AYALA
Requiem to Jellyfish

OSCAR BALAJADIA
Quiet Virtuoso:
Laurindo Almeida


REME A. GREFALDA
Brightman Before
the Endnote


GERRY DE LEON
Isang Kundiman

DIEGO SILANG
MARANAN
at the piano

JOSE P. RIZAL
Kundiman

ANGELO V. SUÁREZ
Nameless Beerhouse
Elegy

Baguio Suite

A LITANY OF VOICES
FROM POETS IN THE
FILIPINO DIASPORA
Undersong
  poems | essays | short stories
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece | bibliography
books | links | archives | index to issues | readers
about us | current issue