home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesplayscurrent issue books Current Issue

Hamog
ni Corazon Cañete

Binilin nya sa akin na magising  ng maaga,
Na kung saan ang araw ay hindi pa gaanong sikat
O nagbabadya lamang ng kaunting liwanag.
Pagkat sa ganitong oras ng sandali lamang,
ang isang ganda ng kalikasan,
ay aming masasaksihan.

Sabik akong mag-umaga na.
Kaya’t ang gabi sa akin ay nakaka-inip.
At sa ilang sandali ng pagka-idlip,
Pinukaw nya ako ng malambing nyang tinig
“Gising, tara at oras na!”

Dali-dali kaming bumangon,
Suot pa ang aming mga pajamas.
Mabilis sa pag-uunahan ang aming mga paa,
Sa paghabol sa oras na nag-aagaw ang liwanag sa dilim.
At sa sandaling ihudyat ang pagsikat ng araw
Ang aming paroroonan ay narating namin.

Sa gitna ng bukid, sa pagsisimula ng umaga
Kanyang pinakita ang katas ng gabi,
na naipon sa dahon ng halamang bukid.
Ang tila sutla na ga-patak na katas ng hamog
ay banayad na nakaniig sa dahon
na naging sanhi nang pagtingkad
sa berdeng kulay ng mga dahon.
At sa pagkakataon ito, tila mga perlas
ang patak ng luha ng lamig sa magdamag.

Dahan-dahan naming pinitas ang dahon
Kumapit ang dagta nito sa aking daliri
Na tila nagsaad ng sakit sa aking ginawa.
Nagitla ako, tama ba ito?
Ngunit ang agam-agam ay kanyang
Pinigil nang marinig kong sabihin nya,
“Sige, itaas mo ang dahon at ipatak mo ang
katas ng hamog sa iyong bibig”.
Utos nya.
Habang naka-muwestra sya sa kanyang tinuran
At duon ko lang napansin ang kasayahan
na nasa kanyang mga mata.

Nais ko ring madama ang ligayang kanyang nadarama.
Kaya’t ,itinaas ko ang hawak na dahon,
dahan-dahan, at hinintay ko na tumulo
ang patak ng hamog.
Sa ilang sandaling lamang,
unti-unting pumatak ito sa nakabuka kong bibig.
At nang ang isang patak ng iyon ay banayad
na sumayad sa king bibig,
nadama ko ang tamis ng kalikasan.
Tamis na hindi mo alam kung saan galing
Hindi sa lupa, hindi rin naman sa langit
Ang tanging alam ko,
kasama ko sa pag-gampan ng
isang sakramento ng kalikasan
ang  tapat kong kaibigan.

| about the author |



powered by
FreeFind

MERLIE M. ALUNAN
Ondoy Wynn

CORAZON CAÑETE
Paano Magpagawa
ng Bahay ang Isang Migrante


Hamog

MARIO SUBITO
Belat

LUISA IGLORIA
Firstborn

JOSEPH O. LEGASPI
Bringers of Bread

VOLTAIRE Q. OYZON
Paglaba

Buklara an imo
nga palad
  poems | essays | short stories | plays
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | archives | index to issues | about us
| current issue |