'Sang tasang kapeng
Kara-karang nilanguyan
Ng gatas at asukal.
Platitong may gatla,
Nilapastangan ng pagkayod ng
Mga sikmurang gutom.
Aleng pinuyat ng Noche Buena't
Minulagat ng
Kwitis na may ilang segundong buhay,
Ilang minutong yamot na dulot.
Silyang nakasandig sa pader
Akap ng mesa.
Pinag-isa't
Kinumutan ng mantel.
Behikulong paroo't parito
Tungo saan, 'di ko alam.
Kalsadang nakahimlay
Sa gitna ng magarbong kabahayan.
Andap ng kandila,
Tikatik ng ulan,
Dilidili ng kaisipan.
Sa kabila ng lahat.
Sakop pa rin ng diwa ko
Ang mga katagang sinabi mo.
"Emong's" is a restaurant along BF Resort Drive, in Las Pinas.
© Gloria Alop del Carmen