Hagupit ng tadhana
Pilit iniinda
Bawat pagsubok
Iniuukit sa puso ng Lumikha
Kailan ma'y di magmamaliw
Pag-ibig na tunay
Hanggang kamatayan
Handang lahat ay ibigay.
Bakit kung minsan ka nang nasaktan
Kay hirap magtiwala muli
sa iyong sinta
Ngunit makailang ulit man
Kitang kalimutan
Sadyang tanging iyong larawan
Aking nasisilayan
Pilit mang ipaglayo
Hindi pa rin maitago
Sukbo ng damdamin
Parang along dumadalusdos
Sumasamo, nagmamakaawang
Maipabatid ang hilakbo.
Isang libong hikbi,
luhang walang humpay
Bawat pintig ng puso,
ngalan mo ang taglay.
© Maybel Fernandez