nakatanghod ang mga bangka
sa poste ng pantalan,
tahimik ang dagat
at paroo’t parito
ang paglusong
ng mga bangka sa laot.
tulog ang kamalayan
ng pakiramdam
ng mga nagpapalaot
na katawan.
malamig ang tubig ng pasko.
nagpaparamdam
ang karaniwang tibok ng mundo
at tumubo ang mga alon
sa kanilang mga mata.
mabilis pa sa pag-isip
ng ilag ang ragasa.
malamig din ang bagong taon.
© Sonny C. Sendon