            |
Ang Hari at Hanip
(Isang Parabula ng Ating Panahon)
ni Loreta M. Medina |
|
|
Ngayon ko lang nalaman
na ang Hari at hanip pala
ay magkamag-anak
at magsinghilig.
Ang Hari ay nag-utos sa heneral
na nagkalatas sa kapitan
na tumawag sa sarhento
na bumulyaw sa sundalo
na nagparating sa malaking pinuno
na sumenyas sa maliit na pinuno
na tumapik sa sekretaryo
na pumaswit sa empleyado
na sumigaw sa kasamang empleyado
na nag-utos sa katulong
na sumipa sa kabayo
na tumadyak sa kalabaw
na umangal sa aso
na kumagat sa pusa
na sumakmal sa daga
na lumigkis sa ipis
na kumain sa langgam
na lumamon sa kuto.
Tumalima naman ang hanip.
(1978)
© Loreta M. Medina |
| about the author
|
2007 RESIDENT POET
Patria Rivera
Sister home for the weekend
The geography outside
Lift
PRISON POEMS
Doris N. Baffrey
Searching
Maybe
Isagani R. Serrano
A December in Prison
Sa Ala-ala ni Sister Bernard Tahimik na Tagapaglingkod ng mga Detenidong Pulitikal
To EDJOP*
The Little Big Man Who Could Be Star Forever
Where I am the sun also gets in
OTHER POEMS
Luis Cabalquinto
Young Rebels
For Emmanuel
Island Reports
Edge of the Woods
Loreta M. Medina
Paglilimi ng Isang Empleyado sa Gobyerno
Kumpisal, Isang Araw ng Miyerkules
Ang Hari at Hanip
Ang Butong Pakwan
Benjamin
Pimentel
Kuwarenta
E. San Juan, Jr.
Tag-sibol sa Den Haag, Nederland, 25 Marso 2007
|