home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysshort storiesbookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

Mula sa Gumuhong Kuta sa Hardin ng Villa Serbelloni, Bellagio, Italya
Ni E. San Juan, Jr.

Sandaling matining ang kristal na tubig sa lawa, kapagkuwa'y

                                               nagsising-sing at umaalimbukay

Di mo pansin ang lagaslas ng hanging pumupukaw
                                 sa mga bulaklak ng tinataluntong landas
     pababa
            sa gumuhong kutang nakaumang sa ating pakikibaka

Curva pericolosa Rimanere sul sentiero

Sa gitna ng luho't yamang naipon sa mga mariwasang palasyo nina Duke Serbelloni at iba pang mga "ibong mandaragit"

Huwag ka raw lumihis
         lumiko
                  lumukso-lukso,
                           banyagang lumuluha kahit walang mata

Sandaling matining, kapagkuwa'y umaalong maharot-nagbabago sa kisap-mata!

Huwag lumipat o magbago, dayuhang lumalakad kahit walang paa-mapanganib daw

                  Lawang tahimik, mahinahon, salaming matining
ngunit sa muling paglingon umaalimbukay—
         ngunit di mo alintana habang umaakyat ka
                  upang maabot ang yelo't ulap sa bagwis ng
                  himpapawid

Sa hardin ng rosas sa grotto nakaluklok ang ispiritu ng mga Romanong sundalo't alipin ni Pliny, istoryador-
         Abo ni Pliny ang naging pataba sa lupa
kasiping ng mga buto ng mga piratang anino'y gumagala tuwing dapit-hapong maalinsangan

                  Curva pericolosa Rimanere sul sentiero

Biglang sumulpot sa gunam-gunam si Victor Olayvar, aktibistang pinaslang ng militar sa
         Bohol ilang libong milya ang layo sa Bellagio, Italya..

Manlalakbay mula sa islang dinilig ng dugo ng mga bayani, mag-ingat ka raw
     at huwag lumihis sa nakagawiang daan
            ng talisuyong inaruga't kinupkop ng mabiyayang
         kalikasang malamyos ang yapos ngayon, kapagkuwa'y maharot
Nag-uulik-ulik
Tatawid sa pagitan ng mga daang nagkrus at nagsalit-salit
Nagdidili-dili
Lumipat sa kabilang daang nagkawing-kawing, nagsing-sing
Nagmumuni-muni
Nakatutok sa diyalektika ng pagtakwil o pagtalima

Talipandas na kinalinga't inandukha ng mga taga-gubat, tiwalag sa dahas ng rehimeng

          komprador sa Pilipinas kakutsaba ng imperyalistang Yangki

Sa baluktot na panahong puspos ng krimen at kabuktutan ng mga naghaharing-uri
Kailangang lumihis sa baluktot na daan
Kailangang humawan, gumawa,
               lumikha ng bagong landas doon sa sukal at yagit ng gubat
Harapin ang nakaumang na panganib
Umiwas
          sa nakaugaliang pagpapabaya, pagpapaubaya

                         Curva pericolosa

Iwan, talikdan, itakwil ang bulag na pagsunod sa tradisyon ng mga nang-aalipin at nagpapaalipin

                                                                                                    Lundag
Lukso
               Lipat           Baguhin           Ibahin

Mangahas itayo ang bagong hagdan sa pagitan ng langit at lupa

Mangahas ilatag ang tulay mula sa duguang lupa ng mga Villa

     tungo sa pinakamimithing dulo't hangganan
                                                                      ng ating pinagbuklod-buklod
                    na pagkikipagsapalaran laban sa nagmana sa
              kapangyarihan ng mga Pliny at Serbelloni-

Sandaling matining ang kristal na tubig sa lawa, ngunit mayamaya'y

                                        sumusulpot, bumubulwak, umaalimbukay-

Curva pericolosa

                          Sa bawat sandali, nagbababala, sa 'sang kisap-mata—
Saan mo itututok,
                 saang daan at direksyon mo
                                                                                iuumang ang 'yong buhay?

© E. San Juan, Jr.

| about the author



powered by
FreeFind


2008 RESIDENT POET
Joel H. Vega
Sayuri Dreaming

Conquistador

FEATURED POETS
Alfredo P. Hernandez
Port Moresby—the two-minute city

Ruel de Vera
Moonlight Sonata

Rene Navarro and Nadine Sarreal
Renga

Rhodora V. Peñaranda
The Place Inside

Makahiya

N.G. Ray
Unearth Our Hope

E. San Juan, Jr.
Mula sa Gumuhong Kuta sa Hardin ng Villa Serbelloni, Bellagio, Italya

  poems | essays | short stories
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece
books | links | archives | index to issues | readers
about us | current issue