Hubad na Mutyang
Unti-unting Bumababa sa Hagdan
ni E. San Juan, Jr.
mula sa Paraiso?
Anong kababalaghan ang umikot sa ulirat, nagsayaw ng kung anong pandanggo
sa dilim
“Ganyan lang ang buhay”
Nang matakpa’y nakita nang mabuksa’y wala na
Di matarok hanggang mabunyag sa dilim—May awa ba’ng diyos?
Salimbibig na turo ang karaniwang karanasan
Sa puno muna sapulan
Paralumang hinubaran ng mga lumiligaw, kagila-gilalas
Itinanghal saplot ng gagamba ng kilabot, ginambala ng kung anong hayop
Nang matakpa’y wala na…..
Ang kababalaghan ang lumalagos sa iyong ulirat
Kahit hindi igiit, hinahagilap pa rin kahit mababa ang lipad
Nagkabuhol-buhol ang mutyang hinubaran ng sutlang balatkayo
Kahit sapulan sa puno sa balingkinitang baywang sa pilantik ng kilay
Ginawang kakatwa ang hubad na mutyang bumababa
Sa matarik na punong nasapulan
Kahit impyerno’y nagmukhang paraiso
At hindi na sa awa ng diyos pagka’t buhay
Ay hindi dapat ganyang lamang…..
© E. San Juan, Jr.
top | about the author