home
from the editor's laptop
welcome readerpoemsessaysmusicgallerybibliographybookslinksarchivesindex to issuesOOV readersabout us / submitcurrent issue

 

Ilang Tanong kay Omar,
Batang Mandirigma
ni Edgar Bacong

 

Ano ang nag-udyok sa mura mong isip
Na bitiwan ang baling lapis at krayola
At ipagpalit ito sa mga baril at granada?
Tunog-laruan bang maihahalintulad
Ang kanilang mga putok at pagsabog?
Oyayi bang magpapahimbing
Ang mga ungol at sigaw
Ng mga sugata't pumanaw?
Mas kawili-wili bang humukay
Para sa sala-salansang bangkay
Kaysa maglaro sa labas ng bahay?
Mas matindi ba ang init na dulot
Ng tangan-tangan na mga sandata
Kaysa mga yakap ng balo mong ina?

Omar, paulanan mo man ako ng kasagutan
O ipabatid ang katahimikan sa ating pagitan
Taimtim kong ipanalangin kay Allah
Na siya mo ring kinakausap sa Meskita,
Sana bago utasin ng bala ang iyong hininga
Ay matunton mo nang dahan-dahan ang daan
Palabas sa paikid-ikid na sistema ng karahasan
At masipat man lang kahit panandalian
Ang pagdating ng bagong buwan.

back to toptop | about the author



powered by
FreeFind
Carlos Bulosan
OOV RESIDENT POET 2011


History of the Heart

Tita Lacambra-Ayala
The Leader

Commerce

The Painter

Thereafter Watching Things Grow

Flat Finish

Albert Alejo, S.J.
Meme na Mindanaw

Edgar Bacong
Sa Isang Babaeng Balo

Ilang Tanong kay Omar, Batang Mandirigma
  poems | essays | music | gallery
from the editor's laptop | welcome reader | frontispiece | bibliography
books | links | archives | index to issues | readers
about us | current issue